-- ADVERTISEMENT --

Umabot na sa 34 ang bilang ng mga nasawi dahil sa epekto ng southwest monsoon o habagat na pinalala ng mga nagdaang bagyong Crising, Dante, at Emong, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw ng Martes.

Pinakahuling naiulat na tatlong nasawi ay mula sa rehiyon ng Calabarzon. Karamihan sa mga nasawi ay mula sa NCR (9), Calabarzon (8), at Western Visayas (6).

Habang iniulat din na nasa pito pa ang nawawala habang 18 ang sugatan.

Mahigit 6.6 milyong katao sa buong bansa ang naapektuhan ng mga kalamidad kung saan umabot na ito sa P7.3 billion ang pinsala sa imprastruktura at P1.6 billion naman sa agrikultura.