-- ADVERTISEMENT --

GENERAL SANTOS CITY – Niyanig ng 4.1 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Davao nitong Lunes lamang. Naitala ito kaninang alas-12:38 ng hapon.

May lalim itong 33 km at tectonic ang pinagmulan o resulta ng paggalaw ng tectonic plates sa rehiyon. Natukoy naman ang epicenter nito sa layong 18 km sa timog silangan ng Tarragona, Davao Oriental.

Wala namang inaasahang pinsala mula rito at wala ring inaasahang aftershocks. Gayunman, inaalerto pa rin ang publiko hinggil sa mga kaparehong lindol sa iba pang bahagi ng Mindanao o kahit maging sa ilan pang lugar sa ating bansa.