-- ADVERTISEMENT --

Inaresto ng mga otoridad sa Las Vegas si dating NBA star Lamar Odom dahil sa pagmamaneho ng nakainom ng alak.

Ayon sa mga otoridad sa Las Vegas natikitan din ito ng dalawang paglabag sa batas trapiko.

Una ay overspeeding ng mahigit 41 miles per hour at hindi tamang pagpalit ng lane.

Mayroon ng kasaysayan sa iligal na droga at alchol addiction si Odom kung saan ito ay inaresto na rin sa pagmamaneho ng nakainom noong 2013.

Taong 2015 ng muntik na itong mamatay dahil sa drug overdose kung saan sa tulong ng asawa niya noon na si Khloe Kardashian ay binigyan ng firs-aid hanggang muling mabuhay kung saan matapos ang isang taon ay naghiwalay sila.

-- ADVERTISEMENT --

Sa loob ng 14 taon nito sa NBA ay naglaro ito sa apat na koponan gaya sa Los Angeles Clippers, Miami Heat, Los Angeles Lakers at Dallas Mavericks.