-- ADVERTISEMENT --

Binigyang-diin ni dating Chief Justice Artemio Panganiban na ang kahilingan, hinahanap, at inaasam ng mga mamamayang Pilipino mula sa Senado ay ‘hustisiya’.

Sa kaniyang pagharap bilang amicus curiae sa Senate Impeachment Court, hindi nag-atubili ang dating Punong Mahistrado sa pagsasabing ‘mistulang ang tanong at mga sagot na hinahanap ng mga senator-judge ay pawang mula sa point of view ng mga senador.

Giit ni CJ Panganiban, dapat ding ikunsidera ng mga senador ang hinihingi at hinahanap ng publiko mula sa mga senador-judge, at ito ay hustisiya.

Mahalaga aniyang mabatid ng mga senador ang saloobin ng publiko na naghahangad ng hustisiya mula sa isang impeachment court, bilang isa sa mga pangunahing gabay sa pag-usad ng impeachment trial.

Nanindigan din ang dating mahistrado na hindi tungkulin ng mga senador na magsilbi bilang ‘judges’ kungdi bilang ‘magulang’ na may kapangyarihang disiplinahan ang mga impeachable official.

-- ADVERTISEMENT --

Hayagang sinabihan ng dating mahistrado ang mga senator-judge na hindi sila mga huwes kungdi gumagampan sila bilang mga magulang na binigyan ng Constitution ng kapangyarihan na dinggin ang kaso ng pinakamataaas na opisyal ng bansa.