-- ADVERTISEMENT --

Pinamamadali ng Department of Agriculture (DA) ang pamamahagi ng tulong at farm inputs para sa mga magsasaka at mangingisdang labis na nasalanta ng mga bagyong Tino at Uwan.

Ito ay kasunod ng naging kautusan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa mga field office ng ahensiya, kasabay ng pagnanais ng ahensiya na maagang makabangon ang mga magsasaka.

Tiniyak ng kalihim na mayroong inihanda ang ahensya na ng post-typhoon assistance para sa mga magsasaka at mangingisda, habang nagpapatuloy pa rin ang assessment at validation sa mga epekto ng kalamidad.

Ayon kay Laurel, naglaan ang Philippine Crop Insurance Corp. ng P251 milyon upang bayaran ang mga magsasakang nakapagpasiguro sa kanilang mga sakahan.

Binuhay din ng DA ang kanilang Quick Response Fund at Survival and Recovery Loan Program, bukod sa alok na pautang ng Survival and Recovery (SURE) Program.

-- ADVERTISEMENT --

Nangako rin ang Department of Budget and Management na magpapalabas ng P1 billion upang dagdagan ang QRF ng DA.