-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na asahan ang tuloy-tuloy na pagbaba ng presyo ng bigas hanggang sa taong 2026.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, kahit tumaas ang presyo ng gulay, isda, at karne, patuloy namang bumababa ang presyo ng bigas dahil sa pagbaba rin ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Ito ay bunsod ng mataas na rice production sa ibang bansa, partikular na sa India at Vietnam.

Dagdag pa ni De Mesa, nakikita na rin ang epekto ng pansamantalang ban sa pag-aangkat ng bigas na ipinatutupad ng pamahalaan.

Tiniyak rin ng opisyal na hindi lubos na maaapektuhan ang farm gate price ng palay ng mga lokal na magsasaka, at patuloy umano ang suporta ng gobyerno sa kanilang hanay.

-- ADVERTISEMENT --