Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Department of Agriculture sa mga rice importers, retailers at mga stakeholders para maiwasan ang pang-aabuso at pagmamanipula ng presyo ng bigas.
Kasunod ito sa pagpapatupad ng rice importation nitong unang araw ng Setyembre.
Sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa na patuloy ang ginagawa nilang pag-iikot sa mga pamilihan kasama ang Department of Trade and Industry (DTI),Philippine National Police at mga local government units para matiyak na naipapatupad ang suspensiyon ng rice importation.
Nakitaan nila ang pagtaas ng presyo ng mga imported na bigas subalit walang paggalaw sa mga presyo ng mga lokal na bigas.
Natitiyak din ng DA na mayroong sapat na suplayng bigas ang bansa base na rin sa inventory na ginagawa ng National Food Authority (NFA) namayroong asahan na 11 milyon metric tons na bigas na nakatakdang anihin sa mga susunod na linggo.