-- ADVERTISEMENT --

Magtatakda ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) na P53 kada kilo para sa lokal na bigas.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. nitong Martes, nagkasundo ang DA at mga stakeholder na ipatupad ang naturang SRP upang mabalanse ang kita ng mga magsasaka at ang budget ng mga mamimili.

Nilinaw naman ni Tiu Laurel na hindi ito price ceiling kundi gabay lamang sa patas na presyo ng lokal na bigas sa merkado.

Ilalabas naman aniya sa mga susunod na araw ang memorandum na maglalaman ng detalye ng naturang SRP.

Matatandaang nauna nang ipinatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P50 kada kilong price cap sa imported na bigas simula Mayo 14 sa loob ng 30 araw.

-- ADVERTISEMENT --