-- ADVERTISEMENT --
Nanawagan ang Department of Agriculture (DA) – Cordillera sa publiko na maging maingat sa maling impormasyon na ikinakalat online matapos kumalat ang isang video na nagsasabing may formalin ang Baguio-grown na sayote.
Nilinaw ng DA na walang formalin o anumang mapanganib na kemikal ang ginagamit sa nasabing gulay. Ang matagal nitong shelf life ay likas na dulot umano ng malamig na klima at matabang lupa sa rehiyon.
Ayon pa sa DA, tumatagal ng hanggang isang buwan ang bagong-ani na sayote kahit hindi ilagay sa ref, dahil sa likas na kondisyon sa Cordillera tulad ng mataas na lugar at sapat na ulan.
Hinikayat din ng DA ang publiko na patuloy na suportahan ang mga lokal na magsasaka at maging mapanuri sa impormasyong kumakalat online.