Inanunsiyo ng Department of Agriculture (DA) na hindi muna aangkat ang bansa ng imported na asukal ng hanggang kalagitnaanng 2026.
Layon nito ay para maging stabilize ang presyo ng lokal na asukal.
Nagkasundo kasi sina Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr at Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Paul Azcona na hanggang Mayo o Hunyo ng susunod na taon ay hindi sila mag-aangkat ng mga imported na asukal.
Isinagawa ang pulong matapos ang nakakaalarmang mababang presyo ng raw sugar na naitala sa unang sugar bidding sa Negros noong Oktubre 9.
Kasama rin na nagkasundo ang dalawang opisyal na panatilihin ang pagkakaroon ng dalawang buwan na buffer-stocks ng refined sugar.
Lahat aniya ng sugar imports ay istriktong magiging reserba at hindi papayagan na makapasok sa lokal na mga pamilihan.