-- ADVERTISEMENT --
Umingay sa homecoming game si Stephen Curry matapos makapagtala ng 26 points sa Charlotte upang pangunahan ang Golden State Warriors sa 132-125 panalo kontra Charlotte Hornets nitong Miyerkules, Disyembre 31.
Nag-ambag naman sina Brandon Podziemski at Jimmy Butler ng tig-19 points para sa Warriors, na may panalo nang lima sa huli nilang anim na laro.
Pinangunahan naman si Brandon Miller ang Hornets na may 33 points, habang nagtala si LaMelo Ball ng 27 points.
Bagama’t nakalamang ang Charlotte sa puntos sa loob ng court, nanaig ang Golden State sa laro mula sa tres, na siyang nagbigay daan sa kanilang panalo.











