-- ADVERTISEMENT --

Muling ipinakita ni NBA superstar ang sharpshooting ability sa comeback win ng Golden State Warriors laban sa San Antonio Spurs ngayong Nov.13, 125-120.

Gumawa si Stephen Curry ng 46 big points at pinangunahan ang impresibong 2nd-half offense upang bumangon mula sa malamiyang first half.

Umabot pa sa 16 points ang deficit na dinanas ng GS sa unang half ngunit sa ikatlong quarter ay gumawa ang 2022 NBA champion ng 43-28 performance, sa tulong ng 22 points na naipasok ni Curry.

Hindi na nakabawi pa ang Spurs, sa kabila ng pagpupumilit nitong bantayan ang 3-point king.

Nag-ambag naman ng 28 points, walong assists, at anim na rebounds si Jimmy Butler, habang 19 points ang ipinasok ng bagitong guard na si Jonathan Kuminga.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi umubra ang triple-double performance ng dalawang Spurs shooter na sina Victor Wembanyama at Stephon Castle na kumamada ng pinagsamang 54 points, 20 assists, at 25 rebounds.

Ipinasok kasi ng Warriors ang season-high na 21 3-pointers, habang kumamada tin ito ng 13 steals sa kabuuan ng laban.

Tanging 14 threes at limang steels lamang ang naisagot ng San Antonio.