Pinatawan ng 18-month ban si Irish fighter Conor McGregor.
Kasunod ito sa paglabag niya sa anti-doping policy ng Ultimate Fighting Champion (UFC).
Ayon sa Combat Sports Anti-Doping (CSAD) na tatlong beses na hindi sumailalim sa biological sample collections sa loob ng 12 buwan noong 2024 ang 37-anyos na si McGregor.
Nakasaad din sa polisiya ng UFC na dapat ang mga atleta ay magbigay ng tamang lugar kung saan ito namamalagi para agad nila itong mapuntahan at makuhanan ng samples.
Mula kasi noong Hulyo 2021 ay hindi na nakapaglaban si McGregor matapos ang leg injury sa huling laban niya kay Dustin Poirier noong Hulyo 2021.
Hindi ito nakapag-test noong nakaraang taon ng Hunyo 13, September 19 at September 20.
Dagdag pa ng CSAD na binawasan nila ang ban ni McGregor mula sa 24 months at ginawang 18 months dahil ito ay kusang nakikipagtulungan sa kanila.