-- ADVERTISEMENT --

Muling nanawagan si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte ng mandatory hair follicle drug testing para sa lahat ng opisyal ng gobyerno.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Sen. Imee Marcos sa INC rally tungkol kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nalulong na umano sa iligal na droga.

Aniya, kung totoo ang sinabi ni Sen. Imee, karapat-dapat sa mamamayang Pilipino ang kalinawan, hindi palusot.

Giit ni Cong. Duterte, matagal na niyang pinapanawagan ang testing bilang hakbang para sa transparency at integridad sa pamahalaan, at tinanong ang mga opisyal na tumatanggi kung ano ang kanilang itinatago at sino ang kanilang prinoprotektahan?

Dagdag pa niya, lahat ng opisyal ay dapat sumailalim sa drug testing, walang exemptions o special treatment, upang mapanatili ang drug-free leadership at protektahan ang kinabukasan ng bansa at kabataan.

-- ADVERTISEMENT --