-- ADVERTISEMENT --

Target ngayon ng Commission on Elections (Comelec) na matapos ng hanggang Disyembre ang pag-imprinta ng mahigit 92 milyon na balota para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election para sa susunod na taon.

Ayon kay COMELEC chairman George Garcia, na maaring kasama na ang verification sa printing ng hanggang kalagitnaan ng Disyembre.

Paliwanag nito na sinimulan na nila ang pag-imprinta kahit na nakatakdang isagawa ang halalan sa Nobyembre 2, 2026 para maiwasan ang pagpatong ng preparasyon sa unang Bangsamoro Parliamentary elections.

Habang sa Pebrero ng susunod na taon ay target ilang matapos ang pag-imprinta ng balota para sa Bangsamoro elections.