-- ADVERTISEMENT --
Inakusahan ng aktres na si Claudine Barretto ang personal assistant nito na si Ma. Solita “Marisol” Acap na pandurukot.
Sa social media account ng aktres ay nag-live video ito kung saan dinukot umano ni Acap ang mga anak niyang sina Sabina, Santino at Quia.
Dagdag pa nito na hindi pa umano nakakauwi ang mga anak noong gabi ng Sabado.
Dito ay nagbigay ng palugit ang aktres na dapat ay makauwi na ang mga anak sa loob ng 15 minuto.
Isinawalat pa ng aktres may kasabwat ang PA na mga fans kung saan nanghihingi umano ang mga ito ng pera sa ilang mga tagahanga.
Ipinakita rin ng aktres ang mga dokumento noong 2023 na mayroon umanong pagkakautan ang PA na nagkakahalaga ng P5-M.
-- ADVERTISEMENT --
Sa ngayon ay desidido umano ang aktres na magsampa ng kaso laban sa PA.











