-- ADVERTISEMENT --
Ipinagdiwang ng aktres na si Ciara Sotto ang pagbabalik sa puwesto ng kanyang ama na si Senador Vicente “Tito” Sotto III bilang Senate President.
Sa isang post sa kanyang social media account, ipinaabot ni Ciara ang kanyang pagbati at pagkilala sa ama, kalakip ang pasasalamat at pagpupugay din sa ina nitong si Helen Gamboa.
Hiniling ni Ciara na magpatuloy pa sana ang maayos at tapat na paglilingkod ng kanyang ama sa sambayanang Pilipino. Si Ciara ang bunsong anak nina Senador Sotto at Gamboa.
Matatandaang nitong nakaraang Lunes, muling naupo si Sen. Sotto bilang Senate President, kapalit ni Sen. Francis “Chiz” Escudero.
Si Sen. Migz Zubiri ang nag-nomina kay Sotto bilang kapalit ni Escudero, na sinuportahan naman ni Sen. Loren Legarda.
-- ADVERTISEMENT --