-- ADVERTISEMENT --

Tinawag ng China na double standard ang pagpapatupad ng US na 100 percent na taripa sa mga produkto nila.

Sinabi ng Chinese commerce ministry spokesperson na mayroong pinipiling bansa ang US at lagi sila ang napag-iinitan.

Tiniyak din nila na sila ay gaganti sa ginawa na ito ng US subalit hindi na binanggit pa ang mga ito.

Una ng sinabi ni Trump na hindi ito natatakot na magkaroon ng trade war sa China dahil sa hindi pagtugon sa kanilang mga hiling.

Bagamat nagkaroon ng pagtaas ng taripa ng US sa mga Chinese goods ay tuloy pa rin ang pagbisita ni Trump sa China sa mga susunod na linggo.

-- ADVERTISEMENT --