-- ADVERTISEMENT --

Inanunsiyo ng China ang pagpataw ng panibagong sanctions sa 20 defense firms ng Amerika dahil sa pagbenta nito ng mga armas sa Taiwan.

Kabilang sa pinatawan ng sanctions ng China ang Boeing’s defense manufacturing outpost sa St. Louis, ang aerospace giant Northrop Grumman at iba pa.

Kaugnay nito, nasa kabuuang 10 industry executives ang apektado ng sanctions kung saan pinagbawalan ang mga ito na makapasok sa bansa kabilang na sa Hong Kong at Macau.

Pinagbawalan na rin ang Chinese entities na makipagnegosyo sa mga naturang kompaniya at ang kanilang assets sa China ay ifre-freeze.

Ayon sa Foreign Ministry ng China, paglabag sa one-China principle ang arms sales na serysong nakakasira aniya sa soberaniya at territorial integrity ng kanilang bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Kung matatandaan, ang US ang pinakamalaking supplier ng mga armas ng Taiwan.

Kamakailan, kinumpirma ng Taiwan na inaprubahan na ng US ang $11 billion defense sales, na isa sa pinakamalaking weapons packages na ibibigay ng US sa Taiwan.

Una na ngang iginigiit ng China na bahagi ng kanilang teritoryo ang Taiwan, subalit mariing tinutulan naman ito ng naturang self-ruled island