Binuweltahan ni Akbayan Party-list Rep. Percival Cendaña ang mga opisyal ng gobyerno na huwag umanong maging “power-tripper” kapag nakakatanggap ng puna mula sa publiko, kaugnay ng isyung kinasasangkutan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at content creator na si Sassa Gurl.
Ito ay matapos ipatawag ng MTRCB ang Viva Communications Inc. upang makipagpulong tungkol sa diumano’y pagmumura ni Sassa Gurl laban sa ahensya sa premiere ng pelikulang Dreamboi, isang queer film na kalahok sa CineSilip Film Festival 2025.
Ayon sa MTRCB, layunin ng pagpupulong na palakasin ang “mutual understanding” at “responsible conduct” sa mga pampublikong okasyon.
Ngunit giit ni Cendaña, lehitimo ang pag-critizise na ginawa ni Sassa Gurl kaugnay sa unang pag-pagbibigay ng double-X rating sa Dreamboi, bago ito tuluyang naging R-18 sa ikatlong pagsusuri.
Hindi pinangalanan ng MTRCB ang content creator sa opisyal na pahayag, ngunit una nang kumalat sa internet ang video ni Sassa Gurl habang pinupuna ang ahensya.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na nasangkot ang MTRCB sa isyung may kinalaman sa LGBTQIA+ community, matapos nitong suspindihin ang programa ni Vice Ganda noong 2023 dahil sa umano’y “indecent acts” sa asawa nitong si Ion Perez.
		
			










