Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga Pilipino na ipagpatuloy ang panalangin, donasyon, at boluntaryong pag-tulong para sa mga komunidad na apektado ng kamakailang mga lindol at bagyong Tino.
Ayon sa CBCP, libu-libong pamilya ang na-displace at maraming lugar ang nangangailangan ng agarang suporta. Binigyang-diin ng simbahan ang kahalagahan ng pagkakaisa at malasakit habang nagpapatuloy ang relief operations.
Sa ibang banda ang kanilang national network ay nakikipag-coordinate na din sa mga diocesan social action centers, civil society groups, at lokal na boluntaryo upang maihatid ang tulong sa mga apektadong komunidad.
Hinimok din ng CBCP ang mga parish at donor na ipagpatuloy ang kanilang suporta habang lumalaki ang pangangailangan sa relief at early recovery.
Matatandaan na sa mga nakaraang linggo, tinamaan ng malalakas na lindol ang Cebu, Davao Oriental, La Union, Surigao del Sur, at Zambales. Dagdag pa rito, tinamaan muli ang Cebu noong Nobyembre 4 ng Typhoon, na nagdulot ng matinding pagbaha.
Ang bagyo rin ay tumama sa ilang lalawigan sa Visayas, na nagdulot ng higit isang daang pagkamatay at paglikas ng libu-libong mga residente.











