Hawak na ng Cleveland Cavaliers ang bentaheng 2-0 laban sa Toronto Raptors.
Sa dalawang magkasunod na laban ay pinataob ng Cavs ang Raptors sa pangunguna ng point guard na si Donovan Mitchell.
Nagawa ni Mitchell na kumamada ng 30 points, pitong rebounds, at limang assists sa Game 2 habang sa naunang laban ay nagbulsa ito ng 32 points, apat na assists at dalawang steal.
Nagsisilbing 2nd scorer ng Cavs ang batikang guard na si James Harden kung saan sa dalawang magkasunod na laban ay nagawa niyang magpasok ng pinagsamang 50 points at kabuuang pitong steals.
Sa dominanteng 2-game win ng Cavs, nagawa ng koponan na panatilin ang mahigit 50% overall shooting percentage na naging pahirap sa Raptors para makabangon sa early deficit.
Nagsisilbi namang lead scorer ng Raptors ang bagitong forward na si Scottie Barnes kung saan sa huling laban ng dalawa ay nakapagbulsa siya ng 26 points mula sa 11 naipasok na field goals.
Parehong ginanap sa homecourt ng Cavs ang dalawang unang laban habang nakatakdang isagawa sa Toronto ang laban Game 3 at Game 4.











