-- ADVERTISEMENT --

Walang anumang pagsisisi si Pinoy gymnast Carlos Yulo matapos na magkamit itong bronze medal sa men’s floor exercise final 53rd FIG Artistics Gymnastics World Championships na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Sinabi ng Paris Olympic double gold medalist na naging matindi ang mga manlalaro na kaniyang nakaharap kaya ibinibigay niya ang papuri sa kaniya.

Natitiyak naman ng 25-anyos na si Yulo na babawi na lamang ito sa vault finals na gaganapin ngayong araw ng Sabado.

Itinturing kasi siyang paboritong manalo sa nasabing kategorya kung saan nagtala na ito ng 14.750 points sa qualifiers ng vault competitions.