-- ADVERTISEMENT --
Nagkampeon si Carlos Alcaraz sa US Open matapos talunin si Jannik Sinner 6-2, 3-6, 6-1, 6-4 .
Ito na ang pangalawang panalo ng Spanish tennis player kay Sinner sa grand slam final at ang pangalawang major ngayong season.
Unang nagkampeon ang 22-anyos sa US Open noong 2022 at pang-anim na major championship nito.
Dahil sa panalo ay papalitan niya si Sinner sa unang puwesto sa men’s world ranking.