-- ADVERTISEMENT --

Asahan na madagdagan pa ng medalyang hahakutin ng mga atleta ng bansa sa 20th Asian Games na ginaganap sa Nagoya-Aichi, Japan.

Ngayong araw kasi ng Miyerkules, Setyembre 30 ay muling sasabak ang ilang atleta ng bansa.

Pangungunahan ito ng Pinoy boxer na si Carlo Paalam kung saan makakaharap nito si 2025 world champion Makhmud Sabyrkhan ng Kazakhstan sa men’s 55 kg. semifinals.

Habang si Pinay tennis star Alex Eala ay sasabak sa women’s single laban kay Joanna Garland ng Taiwan sa quarterfinal round.

Ang e-sport na SIBOL ay sasabak sa Mobile Legends: Bang Bang sa quarterfinals at posible sa semifinals.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kasalukuyan ay mayroon pang tatlong ginto, tatlong silver at 12 bronze medals ang Pilipinas.