Nanawagan si Kalookan Bishop at Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) president Pablo Virgilio Cardinal David kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na bumuo ng truth at reconcillation commission na titingin sa umanoy extrajudicial killings noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni David na sumulat na ito sa Malacañang at humiling ng pagbuo ng commission kung saan ang mga biktima, witness at otoridad ay malayang magpahayag ukol sa kaso.
Ganun din ay marapat na mabigyan ang mga ito ng compensation at psychosocial support.
Naniniwala si David na nagkaroon ng binayarang assasins , death squads na pinondohan ng gobyerno noong nakaraang administrasyon.
Iminungkahi nito na ang mga miyembro ng komisyon ay binubuo mula sa piling civil society organization ganun din ang Commission on Human Rights.
Maaring magsampa ang gobyerno base sa mga impormasyong nakalap ng truth commission.
Magugunitang noon pa man ay tinutulungan ni David ang mga kaanak ng mga biktima ng EJK.











