-- ADVERTISEMENT --

Hinikayat ng Archdiocese of Manila ang publiko na magdasal, intindihin at makibahagi sa hindi marahas na hakbang laban sa kurapsyon.

Sa pastoral letter na pirmado ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, na nakikiisa sila sa mga iba’t-ibang simbahan sa bansa na magkaroon ng mapayapang hakbang laban sa kurapsyon.

Mahalaga na unahin ang bansa at ang interest ng tao.

Magpatuloy lamang sa pagdarasal para marinig ng Maykapal at makakuha ng hustisya.

Magugunitang maraming grupo ang nagpahayag ng interest na sumali sa malawakang kilos protesta laban sa katiwalian sa gobyerno sa darating na Setyembre 21.

-- ADVERTISEMENT --