-- ADVERTISEMENT --

Nagpahayag ng kahandaan si Canadian Prime Minister Mark Carney na ituloy ang trade talks sa US kung handa na rin ang Estados Unidos.

Pahayag ito ni Carney matapos ang pag-anunsiyo ni US President Donald Trump na tapusin ang lahat ng trade negotiations sa Canada dahil as kritikal na taripa na ipinatupad nila.

Nagpatupad ang administrasyon ni Trump ng 35 percent na taripa sa lahat ng produkto ng Canada ganun din sa mga indibidual tariffs na ang target ay mga industriya gaya ng car at steel manufacturing.

Labis na naapektuhan sa nasabing pagpapatupad ng taripa ay ang Ontario, Canada.

Giit pa nito na maraming mga naganap na pag-uusap sa US subalit walang pagbabago kaya nakatuon na sila ngayon sa pakikipag-alyansa sa ibang mga bansa kabilang ang mga nasa rehiyon ng Asya.

-- ADVERTISEMENT --