-- ADVERTISEMENT --
Inaprubahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang dagdag na kaluwagan sa mga bangko kung saan ang mga lugar ay tinamaan ng kalamidad.
Ayon sa BSP na layon nito ay para mapalakas ang kanilang pagbangon at matiyak na tuloy ang pagbibigay ng serbisyo.
Susuportahan din nila ang bangko at mga negosyante na laging tinatamaan ng bagyo, lindol at pagputok ng bulkan.
Hinikayat ng BSP ang mga bangko na dinadaan ng nasabing mga kalamidad na mag-avail sila ng relief package.











