-- ADVERTISEMENT --

Nakalabas na sa pagamutan si dating world heavyweight boxing champion Anthony Joshua matapos na masangkot sa aksidente sa Nigeria.

Ayon sa kaniyang tagapagsalita na pinayagan siya ng kaniyang doktor na makalabas na at doon na sa bahay nila magpagaling.

Matapos ang makalabas sa pagamutan ay dinalaw ng 36-anyos na boksingero ang dalawang kaibigan nitong nasawi sa aksidente.

Magugunitang nitong huling linggo ng Disyembre ng masangkot sa aksidente ang boksingero sa highway sa Nigeria na ikinasawi ng dalawa nitong kaibigan.

Base sa imbestigasyon na bumangga ang sinakyan nilang SUV sa nakaparadang truck matapos sumabog ang gulong nila.

-- ADVERTISEMENT --

Isinilang sa Nigeria ang boksingero kung saan dadalawin lamang nito ang kaniyang magulang ng mangyari ang aksidente.

Huling laban ni Joshua ay noong mapatumba niya si Jake Paul sa buwan ng Disyembre.