-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ngayong Sabado, Disyembre 20 na labi ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) USec. Catalina Cabral ang natagpuan sa may bangin sa Tuba, Benguet Province.

Ayon sa kalihim, ang dahilan ng pagkamatay ng dating opisyal ay โ€œblunt force trauma consistent with a fall.โ€

Kinumpirma ng kalihim ang naturang findings na nagpapakitang walang nakitang sugat mula sa tama ng bala o iba pang indikasyon ng foul play.
Ang mga natamong injuries ng dating opisyal ay dahil sa pagkahulog mula sa mataas na lugar.

Inihayag din ni Sec. Remulla na nakatakdang iturn-over ng asawa ni Cabral ang kaniyang personal belongings sa mga imbestigador pagkatapos mailibing ang dating opisyal.

Si Cabral ay isa sa mahalagang personalidad na idinadawit sa malawakang corruption scandal kaugnay sa flood control projects sa Bulacan.

-- ADVERTISEMENT --

Natagpuang wala nang buhay si Cabral matapos umanong mahulog sa isang bangin malapit sa Bued River sa may Kennon Road sa Tuba, Benguet gabi ng Huwebes, Disyembre 18.