-- ADVERTISEMENT --

GENERAL SANTOS CITY- Hindi lang matataas na kalibre ng armas kundi booby trap ang nakuha ng Pulisya sa inaagawang lugar ng Espina Farm.

Matapos madeskubre ang IED na nilagay sa puno ng kahoy at nilagyan ng nylon bilang triggering device nito.

Mismong si City PNP Director SSupt Maximo Layugan ang nagresponde kasama ang EOD team para idetonate ang bomba. nakita umano ang trap ng isang pastol ng kambing kayat pinaabut sa otoridad.

Lumabas sa imbestigasyon na mismong ang EOD di kilala ang nasabing booby trap na parang smoke grenade ang porma na may kasamang putol na mga kabilya.

Matatandaan tatlong araw pa lamang ng pinasok nina Layugan ang nasabing lugar ng kinumpiska ang matataas na kalibre ng armas kagaya ng carbine at Garand rifle, shotgun at Uzi submachine gun mula sa mga Blue Guard ng apat na grupong nag-aaway at nagpakilalang may-ari ng 973 ektaryang lupa.

-- ADVERTISEMENT --

Pinagdudahan pa ng Pulisya na sa nasabing araw din inilagay ang Booby trap subalit hindi ito pumutok dahil umulan ng araw na yon kayat napatid ang tali kayat hindi pumutok.