-- ADVERTISEMENT --

Mariing itinanggi ni dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr na sangkot ito sa anomalya ng flood control projects.

Ito ay matapos na idawit siya ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary Roberto Bernardo na tumanggap ang senador ng 25 percent na comission mula sa flood control projects.

Sa inilabas na pahayag ng senador sa
pamamagitan ng Divina Law firm, na walang katotohanan ang lahat ng ibinibintang sa dating opisyal.

Nakahanda umano si Revilla na makipagtulungan sa anumang opisyal na pagdinig o legal na proseso para mabigyang linaw ang katotohanan.

Kaisa umano si Revilla ng publiko na humihiling ng pananagutan at hindi nito papayagan na masira o madungisan ang kaniyang pangalan.

-- ADVERTISEMENT --

Magugunitang ibinunyag ni Bernardo sa Senate blue ribbon committee na tumanggap umano ng porsyento si Revilla sa mga proyekto noong 2024.

Dagdag pa ni Bernardo na kinulekta ni dating Bulacan first district engineer Henry Alcantara ang nasabing 25 percent o katumbas ng P125 milyon mula sa proyekto at inideliver sa bahay ni Revilla sa Cavite.