-- ADVERTISEMENT --

Nalusutan ng Meralco Bolts ang Magnolia Hotshots 78-76 sa nagpapatuloy na PBA 50th Philippine Cup.

Dahil sa panalo ay mayroong na tatlong sunod na panalo ang Bolts sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Montalban, Rizal.

Bumida sa panalo ng Bolts si CJ Cansino na nagtala ng 23 points, anim na rebounds at apat na blocks habang mayroong 17 points si Aaron Black.

Nag-ambag naman ng 11 points si Bong Quinto at pitong puntos at 15 rebounds naman si Brandon Bates.

Hawak ng Bolts ang kalamangan 77-76 sa free throws ni Jerom Lastimosa sa loob ng 10 segundo ng laro pero na-foul ni Paul Lee si Quinto para maipasok ang isang free-throw at nakuha ng Bolts ang kalamangan 78.

-- ADVERTISEMENT --

Sinubukan pa ni Lastimoso na maipanalo ang laro sa pamamagitan ng three-points shot subalit ito ay sumablay.

Nasayang ang nagawang 22 points ni Lastimoso habang 14 points ni Zav Lucero at 11 points ,11 rebounds ni Mark Barroca para sa Magnolia.