-- ADVERTISEMENT --

Makikipagpulong ang Bureau of Customs (BOC) sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa araw ng Biyernes, Oktobre 3.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, layon nito ay para isumite ang mga dokumento na kailangan na makakatulong sa kanilang imbestigasyon.

Isinagawa ng opisyal matapos na tuluyan nilang ikustodiya ang 13 luxury cars na pag-aari ng mag-asawang contractors na sina Pacifico “Curlee” at Cezarah “Sarah” Discaya na sinasangkot sa anomalya sa flood control projects.

Dagdag pa nito na ang unang mga dokumento na kanilang isusumite sa ICI ay ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa luxury cars ng mga Discaya.

Tiniyak din ni Nepomuceno na makikipagtulungan sila sa ICI at kanilang ibibigay ang anumang kailangan na dokumento para sa kanilang imbestigasyon.

-- ADVERTISEMENT --