-- ADVERTISEMENT --

Nagsama-sama sina Jisoo, Lisa, Jennie at Rosie para ipagdiwang ang ika-9 na taong anibersaryo ng BLACKPINK.

Sa kanilang social media account ay ibinahagi ng grupo ang larawan na magkakasama sila.

Pinasalamatan nila ang mga fans na kung tawagin ay Blinks dahil sa walang sawang pagsuporta sa kanila.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kanilang fans sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Nagsimula ang grupo noong 2016 kung saan dumami ang mga fans at mga followers nila sa kanilang mga social media account.

-- ADVERTISEMENT --