-- ADVERTISEMENT --
Binalaan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang publiko na huwag basta maniwala sa mga kumakalat online na mga tax payment reminder.
Ayon kay BIR commissioner Charlie Mendoza, nakarating sa kaniyang kaalaman ang nasabing pekeng tax payment reminder na gumagamit pa ang logo nila.
Marapat aniya na maging mapagpmatyag ang mga tax payers at isangguni sa kanilang opisina kung may natanggap silang mga demand letter na gamit ang pangalan ng kanilang opisina.
Lahat aniya ng mga opisyal na inilalabas nilang tax communications ay galing sa kanilang mga official channels.











