-- ADVERTISEMENT --

Nakakuha ng tatlong nominasyon ang Pinay girl group na BINI sa BreakTudo Awards 2026.

Kabilang na nominado sila sa International Women’s Group.

Makakatunggali nila sa category ang Babymonster, BlackPink, Flo, Illit, Itzy, Katsye at Twice.

Habang ang kanta nilang “Sweet Note” ay nominado sa International Music Video na katunggali nila ang Enhypen,Lisa, BlackPink, Ariana Grande, BE, Lady Gaga at Doechi at si Katty Perry.

Habang ang fans ng grupo na Blooms ay nominado sa international fandom of the year kasama ang ATIN ng SB19, Army’s ng BTS, Besty ng BE, Blinks ng Blackpink, Engene ng Enhypen, Freenbeckyfans at Swifties ni Taylor Swift.

-- ADVERTISEMENT --

Nagsimula ang botoha mula Setyembre 17 hanggang Oktubre 17 kung saan gaganapin ang awarding ceremony sa Nobyembre 24 sa Sao Paulo, Brazil.