-- ADVERTISEMENT --

Tuluyan ng naging ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tatawagin itong bagyong “Bising”.

Base sa datos ng PAGASA, nakita ang sentro ng bagyong “Bising” sa may 200 km West Northwest ng Calayan, Cagayan.

May taglay ito na lakas ng hangin ng 45 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 55 kph.

Makakaranas na pag-ulan ang Central at Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

-- ADVERTISEMENT --