-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na bineberipika ng Department of Health (DOH) ang ulat na mayroong dagdag na 300 na sugatan dahil sa paputok.

Ayon kay DOH spokesperson Albert Domingo, nananatiling nakataas pa rin sa code white ang lahat ng pagamutan hanggang Enero 5.

Dagdag pa nito na inaasahan pa ang dagdag na 300 na mga injuries na ito ngayon ay bina-validate na ng epidemiology bureau.

Kapansin-pansin din aniya ang pagtaas ng bilang dahil sa late reportings.

Patuloy ang panawagan nito sa publiko na ipasuri sa mga health workers ang kanilang sugat kahit na ito ay maliit lamang na sugat

-- ADVERTISEMENT --