Kasalukuyan nang nasa hightened alert status ang buong tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) matapoas ang naging pagiisyu ng mga warrant of arrests laban kay dating Ako Bicol Representative Zaldy Co at 17 na iba pa na siyang mga umano’y sangkot sa mga maaanomalyang flood control projects sa bansa.
Sa isang pahayag, kinumpirma ng BI na lahat ng panagalan ng mga akusado ay kasalukuyan nang encoded sa database ng ahensya kung sakali mang subukan ng mga personalidad na ito na umalis o pumasok mula sa ibang bansa sa mga paliparan man o mga pantalan.
Ayon pa kay Immigration Commissioner Joel Viado, agad na makikipagugnayan ang kanilang tanggapan sa himpilan ng Philippine National Police (PNP) kung sakali mang mahuli angmga ito na nagbabalak lumabas ng Pilipinas para sa aniya’y lawful at maayos na pagprisenta ng mga warrant.
Samantala, lumalabas naman sa kanilang imbestigasyon na apat sa mga akusado na nasa listahan ng mayn mga warrant of arrests ang kasalukuyang nasa ibang bansa kabilang na dito sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Officer-in-Charge Planning and Designing Division Chief Montrexis Tamayo na huling namataan sa Qatar, Sunwest Inc. President and Board Chairman Aderna Angelie Alcazar na huling nakita sa Australia at Sunwest Inc. Treasurer Cesar Buenaventura na kasalukuyan namang na United Arab Emirates.
Huling lokasyon naman na naitala sa naging pagalis ni Co ay ang bansang Japan kung saan siya aniya ay bumalik ng Europe sa pamamagitan ng paglipad muna sa China nito lamang Huwebes.
Tiniyak naman ng BI na nananatili ang kanilang close inter-agency coordination sa kanilang mga foreign counterparts at iba pang otoridad upang masiguro na hindi matatakasan ng mga akusado ang kanilang pagkakasala sa batas at pananagutan sa mamamayan.











