-- ADVERTISEMENT --

Itinanggi ng actress na si Bea Alonzo na ito ay buntis.

Sa kaniyang social media account ay una niyang pinasalamatan ang mga bumati sa kaniyang kaarawan.

Sinamantala rin nito ang pagkakataon para linawin ang mga kumalat na balita na ito ay buntis.

Dagdag pa nito nagkaroon lamang ng maling puwesto o anggulo ang pagkakuha ng larawan kay nagmukha itong buntis.

Kumalat ang balitang buntis ito sa mga larawang kuha noong ika-38 na kaarawan niya kasama ang nobyong si Vincent Co kung saan napuna ng ilang fans nito na tila tinakpan ng actress ng boquet ng mga bulaklak ang tiyan nito.

-- ADVERTISEMENT --

Magugunitang noong Agosto ng kinumpirma ng actress na mayroon na silang relasyon ni Co na pangulo ng PureGold.