GENSAN– Nagtapos na kagabi, Oktubre 30, ang Batang Pinoy 2025 sa pamamagitan ng makulay at masayang grand closing ceremony na ginanap sa Acharon Sports Complex sa General Santos City.

Tampok sa seremonya ang Ceremonial Water Salute mula sa BFP Gensan, at ang makulay na fireworks display na nagpasigla sa kalangitan ng Gensan.

Sa pinakahuling partial at unofficial medal tally, nanguna ang City of Manila na may 32 gold, 28 silver, at 25 bronze medals na kabuuang 85 medals; sinundan ito ng Pasig City na may 29 gold, 17 silver, at 24 bronze medals na kabuuang 70 medals at ang Baguio City nakakuha sa ikatlong pwesto na may 29 gold, 17 silver, at 22 bronze medals na kabuuang 68 medals , habang nasa ikapitong puwesto ang host city na Gensan na nakakuha ng kabuuang 38 medals.

Dumalo sa seremonya ang mga delegado at opisyal mula sa iba’t ibang lungsod sa bansa bilang patunay ng pagkakaisa at diwa ng sportsmanship ng kabataan.
Lubos ang pasasalamat ni City Mayor Lorelie Pacquiao sa lahat ng delegates maging sa mga tumulong para maging matagumpay ang Batang Pinoy.

Sa mensahe ni PSC Chairman John Patrick C. Gregorio, kanyang inanunsiyo na ang Batang Pinoy 2026 ay gaganapin sa Bacolod City, kalakip ang pangakong patuloy na susuportahan at pauunlarin ang talento ng mga batang atleta sa buong Pilipinas.
 
		 
			










