Patuloy na nagtataglay ng lakas ang Tropical Storm Basyang habang ito ay kumikilos patungong silangang bahagi ng Mindanao.
Ayon sa pinakahuling ulat, ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa layong 440 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
May taglay itong pinakamalakas na hanging umaabot sa 65 km/h malapit sa sentro, at pagbugso ng hangin hanggang 80 km/h.
Kumikilos ito sa direksyong west southwestward sa bilis na 15 km/h.
Ang malalakas na hangin na dala ng bagyo ay umaabot hanggang 300 kilometro mula sa sentro.
Signal No. 2:
Mindanao: Surigao del Norte (kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands), Surigao del Sur, hilagang bahagi ng Davao Oriental (Boston), Agusan del Norte, Agusan del Sur, Misamis Oriental, hilagang bahagi ng Bukidnon (Impasug-Ong, Manolo Fortich, Malitbog, Sumilao, Libona, Baungon, Malaybalay City, Cabanglasan), at Camiguin.
Signal No. 1:
Visayas: Southern Eastern Samar, Southern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Bohol, Cebu, Siquijor, Negros Oriental, Negros Occidental, Guimaras, Iloilo, Capiz, Southern Aklan, at central at southern Antique.
Mindanao: Dinagat Islands, Davao Oriental (maliban sa Boston), Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, nalalabing bahagi ng Bukidnon, Northern Cotabato, Lanao del Sur, Northern Maguindanao del Norte, Lanao del Norte, Misamis Occidental, ilang bahagi ng Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Northern Zamboanga Sibugay.











