-- ADVERTISEMENT --
Idineklara ng bansang Fiji bilang national emergency dahil sa pagtaas ng kaso ng human immunodeficiency virus o HIV.
Nasa isa sa 60 na mga nasa hustong edad na kasi ang dinapuan ng HIV kumpara noong nakaraang limang taon na mayroong isa sa 167 adults ang dinapuan ng nasabing virus.
Tumaas din ang bilang ng mga sanggol na namamatay sa HIV-related complications.
Ilan sa mga dahilan nito ay ang paggamit ng iligal na droga, hindi ligtas na pakikipagtalik, needle sharing at yung tinatawag na “bluetoothing”.











