-- ADVERTISEMENT --
Iniimbestigahan na ng mga kapulisan ng Los Angeles ang pamamaril sa bahay ng singer na si Rihanna.
Nakatanggap kasi ng tawa ang Los Angeles Police Department matapos na pagbabarilin ang bahay ng singer sa Beverly Hills.
Nakarekober ang mga kapulisan ng basyo ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa lugar.
Base sa inisyal na imbestigasyon na isang kotse ang huminto sa harap ng bahay kung saan isang babae na nasa edad 30 ang nagpaputok ng baril sa bahay ng singer.
Wala namang nasugatan sa insidente kung saan nasa loob ng kaniyang mansion ang singer.
-- ADVERTISEMENT --











