-- ADVERTISEMENT --

Nakatawid na ngayong Martes ng umaga, Hulyo 22 sa hilagang baybayin ng Vietnam ang bagyong Wipha (dating Crising) na dala ang 50 centimeter ng ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at landslide.

Ayon sa national weather forecast agency, nasa 60 kilometro mula sa lungsod ng Haiphong ang bagyo, taglay ang hanging umaabot sa 102 km/h at kumikilos pakanluran sa bilis na 15 km/h.

Inaasahang magla-landfall ito sa mga lalawigan ng Hung Yen at Ninh Binh ngayong gabi at hihina bilang low-pressure area.

Wala pang naiulat na pinsala o nasawi sa kasalukuyan

Noong Linggo, isinailalim na ni Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh sa state of emergency ang mga coastal provinces bilang paghahanda sa bagyo.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala mahigit 350,000 na kasundalohan naman ang naka-standby, habang kinansela at inilipat ang iskedyul ng ilang biyahe sa himpapawid, tren, at pantalan.

Matatandaan noong nakaraang taon, tinamaan din ang bansa ng Typhoon Yagi na kumitil ng humigit-kumulang 300 katao at nagdulot ng $3.3 bilyong pinsala.