Patuloy na naapektuhan ng bagyong Uwan ang northern at central Luzon habang binabagtas ang kalupaan ng Luzon.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) may tagla pa rin ito na lakas ng hangin ng hanggang 185 kph at pagbugso ng hanggang 230 kph.
Nakataas pa rin ang signal number 5 sa mga lugar ng Nagtipunan sa Quirion; Alfonso Castañeda, Dupax del Norte, Dupax del Sur sa Nueva Vizcaya;Bongabon, Carranglan, Pantabangan sa Nueva Ecija; San Luis, Baler, Maria Aurora, Dipaculao, Dinalungan, Casiguran sa Aurora.
Habang nakataas ang signal number 4 sa mga lugar ng : Enrile, Solana, Tuao, Piat, Rizal sa Cagayan; Isabela, natitirang bahagi ng Quirino, Nueva Vizcaya; Conner sa Apayao ; Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet; Nueva Era, Badoc, Pinili, Currimao, Banna, Marcos, City of Batac, Paoay, Dingras, Solsona, Sarrat, San Nicolas, Laoag City sa Ilocos Norte; Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, natitirang bahagi ng Aurora at Nueva Ecija; Doña Remedios Trinidad, San Miguel, San Ildefonso, Norzagaray, San Rafael sa Bulacan; Camiling, San Clemente, Paniqui, Gerona, Victoria, Pura, Ramos, Moncada, San Manuel, Anao, La Paz, City of Tarlac, Santa Ignacia, Concepcion sa Tarlac; Candaba, Arayat, Magalang sa Pampanga; Santa Cruz sa Zambales; Infanta, General Nakar sa Quezon kabilang ang Polillo Islands.
Nakataas naman ang signal number 3 sa mga lugar ng : natitirang bahagi ng mainland Cagayan, Apayao, t Ilocos Norte, Tarlac, Pampanga,Bulacan, Zambales, Bataan, Metro Manila, Rizal, Laguna, Batangas, Cavite; Pitogo, Lucena City, Pagbilao, Tiaong, Lopez, Unisan, Plaridel, San Antonio, Candelaria, Lucban, Sampaloc, Padre Burgos, Sariaya, City of Tayabas, Dolores, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Calauag, Quezon, Alabat, Mauban, Perez, Tagkawayan, Guinayangan, Real sa Quezon at sa Camarines Norte.
Signal number 2 naman ang nakataas sa mga lugar ng: Babuyan Islands,natitirang bahagi ng Quezon, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro including Lubang Islands, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon; City of Masbate, Mobo, Aroroy, Balud, Mandaon, Milagros, Baleno, Uson sa Masbate kasama na ang Ticao at Burias Islands.
Nakataas ang signal number 1 sa mga lugar ng : Batanes; Taytay, Dumaran, El Nido, Araceli, Roxas, San Vicente sa Palawan; kasama na ang Calamian Islands, Cuyo Islands, at Cagayancillo Islands, at ang natitirang bahagi ng Masbate; Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte; ,Talibon, Getafe, Bien Unido, Trinidad, Ubay, Pres. Carlos P. Garcia, Buenavista, San Miguel, Danao, Inabanga, Clarin sa Bohol ; Medellin, Daanbantayan, City of Bogo, Tabogon, San Remigio, Tabuelan, Borbon, Sogod, Tuburan, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan, Consolacion, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cordova, Asturias, Cebu City, Balamban, City of Talisay, Toledo City, Minglanilla, Dumanjug, Sibonga, Barili, City of Carcar, City of Naga, San Fernando, Pinamungahan, Aloguinsan, Ronda sa Cebu; kasama na ang Bantayan at Camotes Islands; Canlaon City, Vallehermoso, City of Guihulngan, La Libertad sa Negros Oriental; City of Escalante, Toboso, Sagay City, Cadiz City, Calatrava, Manapla, City of Victorias, Enrique B. Magalona, Silay City, City of Talisay, San Carlos City, Salvador Benedicto, Murcia, Bacolod City, Hinigaran, Isabela, Moises Padilla, La Castellana, Pontevedra, San Enrique, La Carlota City, Bago City, Valladolid, Pulupandan, Binalbagan, City of Himamaylan, City of Kabankalan, Ilog sa Negros Occidenta; Guimaras, Iloilo, Capiz, Aklan, at Antique kasama ang Caluya Islands.
Matapos ang pag-landfall nito sa Dinalungan, Aurora ay umikot ito sa bulubunduking bahagi ng Northern Luzon at tatahakin ang Lingayen Gulf hanggang sa karagatan ng La Union at Ilocos Sur nitong umaga ng Lunes, Nobyembre 10.
Magdudulot ng paghina ng bagyon Uwan kapag ito ay tumama sa mga bulubunduking bahagi ng Northern Luzon subalit mananatili pa rin ito sa typhoon category.
Sa araw pa ng Miyerkules , Nobyembre 12 ay tatahakin ang direksyon ng Taiwan Strait habang humihina at inaasahan na mag-landfall sa Taiwan sa Huwebes Nobyembre 13.
Ibinabala ng PAGASA na makakaranas pa rin ng pag-ulan sa mga lugar na nakataas ang typhoon signal.











