-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang pag-intensify ng Bagyong Opong habang kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa Philippine Sea.

Ayon sa pinakahuling ulat, ang sentro ng Severe Tropical Storm Opong ay nasa layong 440 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na 110 km/h malapit sa gitna at pagbugso ng hangin na umaabot sa 135 km/h.

Kumikilos ito sa bilis na 20 km/h.

Itinaas ang Signal No. 2 sa Catanduanes, ilang bahagi ng Albay, Sorsogon, Northern Samar, at hilagang at gitnang bahagi ng Eastern Samar at Samar.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, nasa ilalim ng Signal No. 1 ang natitirang bahagi ng Albay, Masbate, Camarines Sur at Norte, ilang bahagi ng Luzon, Metro Manila, at malaking bahagi ng Visayas kabilang ang Cebu, Leyte, Negros Occidental, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, Biliran, Southern Leyte, at mga isla ng Siargao, Bucas Grande, at Dinagat.