Nananatili ang lakas ng bagyong Opong habang ito ay nasa silangang bahagi ng Philippine Sea, malapit sa Eastern Visayas.
Huling namataan ang Severe Tropical Storm Opong sa layong 335 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 110 kilometro kada oras malapit sa gitna, at pagbugsong hangin na hanggang 135 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Tropical Cyclone Wind Signal No. 2
Luzon: Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at hilagang bahagi ng Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands.
Visayas: Northern Samar, hilaga at gitnang bahagi ng Eastern Samar tulad ng Can-Avid, Maslog, San Policarpo, Taft, Dolores, Jipapad, Oras, Arteche, Sulat, San Julian; hilaga at gitnang bahagi ng Samar tulad ng San Jorge, San Sebastian, Villareal, Zumarraga, Matuguinao, Pinabacdao, Almagro, Calbayog City, Talalora, Jiabong, Pagsanghan, Catbalogan City, Gandara, Motiong, Santo Niño, Tagapul-An, San Jose de Buan, Santa Margarita, Tarangnan, Calbiga, Daram, Paranas, Hinabangan; at hilagang bahagi ng Biliran tulad ng Almeria, Kawayan, Maripipi, Culaba.
Tropical Cyclone Wind Signal No. 1
Luzon: Gitna at timog bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, timog-kanlurang bahagi ng Mountain Province, Benguet, timog bahagi ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, Quezon, Romblon, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Calamian Islands, at natitirang bahagi ng Masbate.
Visayas: Natitirang bahagi ng Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, hilagang bahagi ng Cebu kabilang ang Camotes at Bantayan Islands; hilagang bahagi ng Negros Occidental; hilagang bahagi ng Iloilo; Capiz, Aklan, at hilagang bahagi ng Antique.
Mindanao: Siargao Island, Bucas Grande Islands, at Dinagat Islands.